Jake at Ria, mag-jowa na?

Jake at Ria, mag-jowa na?

August 6, 2022 @ 4:34 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Ano kaya ang masasabi ni Sylvia Sanchez sa lumabas na litrato sa social media showing her daughter Ria Atayde getting cozy with Jake Ejercito?

Ipinost ito ni Alora Sasam with the caption, “Halika @ria, braids ko bangs mo, ang haba eh!”

In the photo, makikitang ginawaran ng halik ni Jake sa pisngi ang todo-nakangiting si Ria.

Ni-repost ito nina Ria at Jake with the latter addressing the actress as “my Daria.”

Hindi malinaw kung totohanan ito as in merong namamagitan sa kanila or publicity slant lang sa serye nilang Ex Factor under Epic Media.

Ang nasabing serye ay prodyus ni Sylvia na pahinga muna sa paggawa ng mga teleserye.

The award-winning actress would like to venture in producing films as well as series to be able to penetrate the international market.

Ito ang isa sa mga pakay niya kung kaya nasa Cannes Film Festival siya nitong July.

Ex Factor also stars Carlo Aquino.

Kapag napatunayang there’s something between Ria and Jake, hindi kaya after Arjo ay ang anak naman niyang babae ang susunod na magpapakasal?

If so, nanganganib na magkaroon ng empty nest syndrome ang mag-asawang Sylvia at Art Atayde! Ronnie Carrasco III