Jake, buo ang tiwala kay direk Joel!

Jake, buo ang tiwala kay direk Joel!

August 5, 2022 @ 10:59 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Kung matatandaan ay naging kontrobersyal noon ang pelikulang Lihis na pinagbibidahan nina Jake Cuenca and Joem Bascon kung saan ay nagkaroon sila ng bromance at kissing scene. Ito ay dinirek ng award-winning director na si Joel Lamangan na ipinalabas nu’ng taong 2013.

Ngayon naman, after nine years, ay magkakaroon ng reunion movie si Jake with direk Joel via My Father, Myself, under the production of 3:16 Films ni Mam Len Carillo.

“When I got the script at nalaman kong si direk Joel, game na agad. Tapos nandiyan pa si Dimples (Romana) kaya okay ako.

“Buo kasi ang tiwala ko kay ditek Joel and I know na kapag I am with him, I am in safe hands,” pagmamalaki pa ni Jake.

Binanggit ni Jake na proud siya to be a part of My Fatjet, Myself. Proud siya na makatrabaho muli si Joel.

“After ng kainitan ng pandemic, maganda ang first wave na mg nailabas na pelikula and tnis movie will surely amaze you dahil maganda ang script,” sabi ni Jake.

Idinagdag din ni Jake na ang kanyang role sa movie ay isang acting piece at hndi lang basta sexy scenes ang kailangang ipakita.

Masaya at nasa jolly ang mood ni Jake sa storycon ng pelikula.

“It’s goood to see everyone again,” sabi pa niya.

First time niyang nakita in person ang kasama rin sa movie na sina Sean de Guzman at Tiffany Gray, na mga alaga ni Mam Len.

“Gusto kong makilala sina Sean and si Tiffany. Gusto ko rin silang makita that’s why nagpunta talaga ako sa story conference,” sabi pa niya.

So Quinn Carillo ang gumawa ng script at magsisimula na sila sa kanilang shooting anytime soon. JP Ignacio