Jake, dedma sa paramdam ni Kylie!

Jake, dedma sa paramdam ni Kylie!

June 3, 2022 @ 10:10 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – We can just imagine how frustrating it can get kung wa epek ang pagpaparamdam ni Kylie Versoza sa kanyang dating nobyong si Jake Cuenca.

Sa latest vlog kasi ni  Vice Ganda ay kinapanayam niya ang dating Miss International.

Very candid naman si Kylie na wala siyang regrets o pinagsisisihan sa naging relasyon nila ni Jake.

Pati nga ang penile size ng kargada ng aktor ay naitanong din kay Kylie na itinawa lang nito.

Matik na iisipin siyempre ng mga netizens na magre-react ang aktor.

The least na puwede niyang sabihin ay ganoon din, he doesn’t have any regrets.

Pero upon checking Instagram, kahit si Kylie mismo ay mapu-frustrate na NR o no reaction ang dating nobyo.

Sa halip ay todo puri si Jake sa kapareha sa isang movie na si Iza Calzado.

Mistula ngang tribute ang IG post ni Jake patungkol kay Iza.

Samakatwid, wa epek ang emote ni Kylie.

In fairness to her, tiyak namang ang layunin niya’y hindi para balikan siya ni Jake.

Gaya nga ng sabi niya, mas itutuon daw niya ang kanyang pansin sa showbiz career niya.

Si Kylie na rin mismo ang nagsabi na hindi pa siya handang kausapin si Jake, ‘yun pa kayang premise na gusto nitong makipagbalikan sa kanya?

Buti na lang, taken na si Iza dahil kung hindi, iisipin ng publiko na ito na ang ipinalit niya kay Kylie! Ronnie Carrasco III