Jake, di pa handa kay Kylie!

Jake, di pa handa kay Kylie!

November 27, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Bagama’t it’s been months since he and Kylie Versoza broke up ay hindi pa handa si Jake Cuenca na pag-usapan ang tungkol sa kanilang relasyon.

Tatlong taon nga namang tumagal ‘yon.

And all throughout that period, doon lang naka-focus ang atensyon ng 34 anyos na aktor.

Although it’s apparent that he has yet to recover from the pain it brought, pinanghahawakan ni Jake ang sabi ng kanyang ama.

Since his relationship with Kylie lasted for three years, Jake needs to give himself one and a half years to fully get over with it.

Back to being single, wala raw muna sa isip ng aktor na sumuong sa panibagong relasyon.

Sa loob daw ng tatlong inactive years during the relationship ay ngayon pa lang daw siya nakakabuwelo.

Interestingly, may offer pala sa kanya mula sa GMA.

Aniya, hindi naman daw kasi siya nagsunog ng tulay.

Kaso, mas pinili ni Jake na pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Pero natuwa siya nang malamang willing maghintay ang GMA until his contract expires with his home studio.

Eh, kelan pa ‘yon?

Baka by then ay napagkalooban na ng another 25-year franchise ang Kapamilya network, hindi kaya? Ronnie Carrasco III