Jake, kontento kay Ellie, ayaw pang mag-asawa!

Jake, kontento kay Ellie, ayaw pang mag-asawa!

June 23, 2022 @ 7:30 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Kitang-kita na masaya at kontento si Andi Eigenman sa sarili nitong pamilya kaya naman hindi maiwasang matanong si Jake Ejercito ng mga tao kung kailan ito magkakaroon ng sariling pamilya.

Deretsahan namang sinagot ni Jake ang mga tanong.

Aminado itong sa kasalukuyan, hindi pa nito naiisip na magkaroon ng sariling pamilya at kontento ito sa co-parenting nila ni Andi sa anak na si Ellie.

“I don’t think about it. I’m okay with where I am now. I’m content with Ellie, so not in the near future,” sagot ni Jake.

Bukod dito, busy rin naman ang aktor sa mga projects nito na ayon sa kaniya, nakikita niya bilang challenge at pagkakataon na rin para mas matuto pagdating sa pag-arte.

“Okay, does this mean he is literally single?”

“Pwede ba mag-apply?”

Ilan ‘yan sa mga biro ng netizens sa comments section.

Isa ngayon si Jake sa leading men ni Ivana Alawi sa upcoming series na A Family Affair kung saan kasama nito sina Sam Milby, Gerald Anderson, at Jameson Blake. Paula Jonabelle Ignacio