Jake, nagpaliwanag sa isyu sa Mandaluyong police!

Jake, nagpaliwanag sa isyu sa Mandaluyong police!

October 13, 2021 @ 2:14 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – “Para sa akin, nu’ng sandaling ‘yon, ang iniisip ko …natatakot ako para sa buhay ko.”

‘Yan ang katwirang ipinahayag ni Jake Cuenca kung bakit ‘di siya huminto nang may pumapara sa kanyang kalalakihan nu’ng gabi ng October 9 sa isang kalye sa Mandaluyong City.

Ayon sa ulat ng mga pulis, may nabangga si Jake sa isang kalye sa Mandaluyong na sasakyan ng mga pulis na naka-civilian at ‘di siya huminto nang parahin siya ng isang grupo ng kalalakihan.

Nu’ng gabing ‘yon ay may buy-bust operation pala sa area na ‘yon.

At dahil hindi huminto si Jake, hinabol ng mga kalalakihan ang SUV niya. At para maabutan nila si Jake, pinagbabaril nila ang mga gulong ng sasakyan. May tinamaan naman silang gulong pero may ‘di sinasadyang tinamaan din silang isang Grab driver.

Huminto rin si Jake sa paglaon at nu’n lang n’ya napag-alaman na mga pulis ang nagpapahinto at humabol sa kanya.

Sa isang interbyu ni MJ Felipe kay Jake para sa ABS-CBN News kamakailan, ikinwento ni Jake na kaya siya nagawi sa lugar na iyon ay dahil papunta sana siya sa bahay ng kapwa aktor n’yang si Paulo Avelino. Dadalawin sana ni Jake si Paulo na kagagaling lang mula sa sakit na Covid.

Sa isang tweet, idinepensa naman ni Paulo si Jake sa mga paratang ng mga netizen tungkol sa kundisyon nito. Hindi raw lasing o nakainom si Jake.

Paliwanag ni Jake kay MJ Felipe: “When I have civilians flagging down my car, armed civilians flagging down my car with unmarked vehicles, my instinct talaga was to not stop, just to go forward, to just get away from trouble.”

Pakiramdam ni Jake nu’ng hinahabol siya ay siya talaga ang binabaril ng mga armadong lalake at hindi ang mga gulong ng  sasakyan n’ya.

Naibalik na kay Jake ang SUV n’ya at mapupuna ang marka ng mga bala na tumama sa sasakyan. Ang isa sa mga iyon ay muntik nang tumama sa tangke ng gasolina.

Pagtatapat pa ni Jake: “It was very traumatizing. I’ll be very honest na I think ‘yung hindi nasasabi minsan kasi, in the middle of the car chase, in the middle na hinahabol ako ng unmarked cars and pinagbababaril ako ng… At that point, I didn’t know they were undercover cops. [Not once] in my mind did I think they were shooting for my tires. I thought they were shooting for me.”

Actually, huminto na lang daw si Jake nang may marinig siyang mga sirena at nakakita na siya ng mga nakayunipormeng pulis. Nagulat siya na siya ang inaaresto ng mga pulis at hindi ang mga armadong civilian na humahabol at namaril sa SUV n’ya.

Nilinaw ni Jake sa ABS-CBN News reporter na hindi naman siya inaresto at wala siyang nabangga.

Dalawang beses umanong ininspeksyon ng mga pulis ang sasakyan at wala silang natagpuang illegal sa loob nito.

Lahad pa n’ya: “I followed everything that they wanted me to do. I followed due process. I followed all… Hindi ako nanglaban, hindi ko sila pinahirapan.”

Nang deretsahang tanungin ni MJ Felipe kung may naaalala siyang nabanggang sasakyan ng pulis, sagot n’ya ay wala siyang naramdamang may nabangga siya at wala rin siyang makitang marka sa sasakyan n’ya na marka na nakabangga ito.

Lahad n’ya: “There’s no paint from anywhere, there’s no damage to my car aside from the damage that was caused by the gunshots. I understand that there are operations out there that we don’t know about and people are just doing their jobs. And I completely understand that.”

Sa ngayon, si Jake ay pinanagot sa mga paratang  na “disobedience to a person in authority” at “reckless imprudence resulting in damage to property.”

Ang prosecutor’s office ay nakatakdang hingan siya ng counter-affidavit. Sa kabila ng lahat nang naganap, hindi kakasuhan ang aktor.

Ang gusto lang n’ya ay maayos ang lahat. He has also promised to help the Grab driver that suffered an injury during the car chase.

“Despite the police taking that responsibility, I also want to extend my hand in any way, shape, or form. If I can help him and his family, I am willing to do that, ” pagtatapos n’ya ng kanyang paglalahad. Danny Vibas


  •  
  •  
  •