Jake, under-de-saya kay Kylie

Jake, under-de-saya kay Kylie

February 2, 2022 @ 2:58 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Kinaaliwan ng netizens ang pag-guest ni Jake Cuenca sa benefit show ng ABS-CBN para sa mga biktima ng Typhoon Odette.

Sa show na ini-host nina Melai Cantiveros at Alora Sasam kamakailan, sumalang sa Truth or Dare Challenge ang aktor.

 Isa sa mga naitanong sa kanya ni Melai ay kung ano ang gagawin ng isang babae para mapakalma siya kapag mainit ang ulo niya.

Dahil nasa bahay ni Jake ang dyowang si Kylie Versoza, ito ang tinawag niya para pasagutin sa tanong.

Sey ng dating Ms. International, sa pagkakakilala niya  ay nagbago na raw ang nobyo at hindi na raw mainitin ang ulo nito.

Kumbaga, nag-mellow na raw ang actor at iba na ang degree of maturity nito.

Pero kung siya raw ang tatanungin, lambing lang daw ang katapat kapag nagiging grouchy o moody ang nobyo.

Ang ginagawa raw niya ay binubusog niya ito at hinu-hug to show her love and support.

Sa segment naman na  “I Have Never Been” ay naurirat kay Jake kung nag-try na ba itong makipagbalikan sa kanyang ex.

Sey ni Jake, may pagkakataon daw na nasubukan niyang makipag-reconcile pero hindi iyon nangyari.

Sumalang din ang “Viral” actor sa palasak na “Jojowain o Trotropahin” challenge kung saan inisa-inisa ng hosts ang Kapamilya actresses na piniling ipasagot kay Jake.

Lahat ng nabanggit na aktres ay type lang daw tropahin ni Jake maliban sa co-hosts ng show na sina Melai at Alora na bet niyang jowain.

Nang mabanggit din ang pangalan ni Lovi Poe, trotropahin ang naging sagot nito.

Hirit naman ng ilang kibitzers, nang-echos lang daw ang actor dahil hindi raw ito nagpakatotoo na sabihing jinowa na niya ang aktres.

 May mga nag-opinyon namang natakot daw ito sa live-in partner na si Kylie na nasa bahay noong kinakapanayam siya.

Matatandaang sa isang panayam noon ni Lovi, inamin ng aktres na nagkaroon sila ng short-lived relationship ng actor. Archie Liao