Jake Zyrus, naglalasing, nagwawala sa Tate!

Jake Zyrus, naglalasing, nagwawala sa Tate!

September 30, 2022 @ 8:08 AM 2 months ago


Los Angeles, USA – May matindi bang problemang pinagdadaanan ngayon si Jake Zyrus?

Hanggang ngayon ay nasa Amerika pa rin ang singer na dating nakilala bilang si Charice Pempengco.

Ayon sa impormasyong iniulat ni Cristy Fermin sa kanyang programa sa Radyo Singko, madalas daw na nakikitang lasing ang transman singer ng mga mismong kababayan natin sa US.

Buti raw sana kung nasa impluwensya lang ito ng alak.

Balita rin kasing nagwawala ito kapag nakainom na.

Ani Cristy, okey lang namang uminom pag may okasyon pero pag dumadalas na ay ibang usapan na.

Posible raw na may mabigat na dalahin si Jake na ayaw pa muna nitong isapubliko.

Pangamba nga ng marami, posibleng ang habitual drinking ni Jake ang makasira sa kanya.

Nauna nang naibalita na sa mga maliliit na bar na lang sa Amerika nagtatanghal si Jake to think na isa siyang international singer.

Hindi raw kaya matanggap ni Jake ang kanyang sinapit?

May pagsisisi raw ba buhat nang lumantad siya bilang Jake, the result of which ay nangawala ang kanyang ningning?

May kinalaman daw kaya sa kanyang pamilya ang paglalasing at pagwawala ni Jake?

Matatandaang hindi pa nahihilot ang alitan nila ng kanyang ina na si Raquel hanggang ngayon.

Namatay ang lola ni Jake at dalawang kapatid ng kanyang ina nang hindi man lang nakipag-ugnayan ang singer sa kanyang pamilya. Ronnie Carrasco III