Jake Zyrus, pang-small time na lang?

Jake Zyrus, pang-small time na lang?

July 26, 2022 @ 1:51 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Kung totoo ang balitang ipinarating kay Cristy Fermin na nagtatanghal na lang sa mga pub house at malilit na bar sa Amerika si Jake Zyrus ay nakakalungkot naman ang sinapit nito.

Ito ang naging diskusyon sa programang Showbiz Now Na.

Ayon kay Cristy, mismong mga kaibigan niyang matagal nang naninirahan sa US ang source niya.

Kung iisipin nga naman, matagal nang wala sa bansa si Jake.

Kahit noong magkasunod na namatay ang kanyang Lola Tess at tiyuhin noong April ay nasa Amerika ang international singer.

Sa ngayon, ang pagpe-perform daw sa mga maliliit na entertainment venue ang pinagkakaabalahan ng dating si Charice Pempengco.

Wala na raw umanong producer ang kumukuha sa kanya sa malakihang pagtatanghal.

Masasabing ang nangyari kay Jake ay kabaligtaran ng kapalaran ni Jaya.

Nagsimulang kumanta sa mga maliliit na bar sa US si Jaya bago nakagawa ng malaking pangalan sa local music scene.

Sa kaso ni Jake, nasa kutson na siya’y lumipat pa siya sa sahig.

How sad. Ronnie Carrasco III