Jam Magno, shookt sa pagkakasuspinde ng Twitter account!

Jam Magno, shookt sa pagkakasuspinde ng Twitter account!

January 25, 2022 @ 3:58 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Hala, sinuspinde na ng Twitter permanently ang account ng social media personality na si Jam Magno.

FYI, si Jam ay isang vocal supporter ng Presidente Rodrigo Duterte. Ayon kay Jam ay naguluhan daw siya nang nalaman niyang sinuspinde na ang kanyang Twitter account.

Sa FB ay nag-post si Jam ng isang screenshot na nagsabing, “account broke the Twitter Rules,” na naging dahilan ng pagkakasuspinde ng kanyang account. As of press time ay deleted na ang nasabing FB post.

“Your account is permanently in read-only mode, which means you can’t Tweet, Retweet, or Like content. You won’t be able to create new accounts,” saad pa sa warning sa kanya ng Twitter.

Hindi pa sigurado si Jam kung ang ugat ng suspension ay dahil suportado niya ang presidential candidate na si Bongbong Marcos o dahil hindi niya bet ang isa pang candidate na si Vice President Leni Robredo.

“HOW ON EARTH DID THIS HAPPEN? Uhm, should I be shocked? They just talked about this at the BBM interview. Am I part of the 300? I am 5000000 confused. Is it because I tweet against Leni? And because I like BBM?” sabi pa ni Jam.

kung matatandaan, noon May 2021 ay na-banned din si Jam sa video-sharing site na TikTok dahil sa diumano’y “multiple violations of community guidelines.”. Joey Sarmiento