745 aftershock naitala sa Davao quake

February 3, 2023 @3:23 PM
Views: 5
MANILA, Philippines – Nakapagtala ng mahigit 700 aftershock ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasunod ng magnitude 6.0 na lindol na tumama sa Davao de Oro noong Miyerkules, Pebrero 1.
Sa pinakahuling ulat, sinabi ng Phivolcs na mayroong 745 aftershock ang naitala hanggang nitong alas-8 ng umaga, araw ng Biyernes, Pebrero 3.
Isa lamang ang naramdaman sa lugar sa mga naitalang pagyanig, kung saan naglalaro ito mula magnitude 1.3 hanggang 3.6.
Samantala, ibinalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na mayroong 16 katao ang nasaktan at may ilang mga gusali ang napinsala dahil sa naturang lindol. RNT/JGC
Phoenix nakakuha ng unang panalo sa Governor’s Cup

February 3, 2023 @3:16 PM
Views: 6
PALABAN – Hindi bumItaw sa bola si Phoenix Super LPG forward Jason Perkins sa agawan nila ng katunggaling si Arthur Dela Cruz ng Northport Batang Pier sa isang bahagi ng kanilang bakbakan sa 2022 – 23 PBA Governors Cup sa PhilSports Arena Pasig City. REY NILLAMA
MANILA, Philippines – Nasungkit ng Phoenix Super LPG ang unang panalo matapos talunin ang NorthPort 108-97 sa nagbabagang bakbakan sa PBA Governors’ Cup na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City.
Nagtala ng tig-26 points sina Jason Perkins at Du’Vaughn Maxwell para buhatin ang Phoenix sa panalo.
Tumulong naman ng 16 points si RJ Azul habang umambag ng 13 points si Sean Manganti.
Dinomina ng Phoenix ang laro na pinalobo pa sa 27 points ang kanilang kalamangan.
Nagawa pang putulin ng NorthPort ang kalamangan sa lima 92-87 sa natitirang 7:13 minuto sa last quarter subalit hindi nagbaya ang Phoenix at siniguro na ang panalo.Rey Nillama
Ex-pres Duterte, PBBM pinagkumpara ni Diokno

February 3, 2023 @3:10 PM
Views: 11
MANILA, Philippines – Ikinumpara ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang dalawang magkasunod na Pangulo, sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang Pangulo na si Ferdinand Marcos Jr.
Kasabay ng forum na inorganisa ng Makati Business Club, tinanong kasi si Diokno kung ano ang pagtingin ng international community sa pagitan ni Duterte at Marcos.
Bilang tugon, sinabi ni Diokno, na naglingkod din bilang Bangko Sentral ng Pilipinas governor sa nakaraang administrasyon, na mayroong malaking kaibahan sina Duterte at Marcos.
“Duterte is not as engaging as President Bongbong with the world, the rest of the world.”
“For example, he didn’t care much about Europe because Europe was putting pressure on us on human rights…,” dagdag pa niya.
Kung babalikan, makailang beses na tinira ni Duterte ang European Union dahil sa pagpuna ng mga ito sa posibilidad ng human rights violation sa bansa dahil sa anti-drug war campaign.
“Compared to Bongbong… Bongbong is more engaging with the rest of the world. He has traveled, how many times? Seven times? Yes, he’s more engaging than President Duterte,” pagbabahagi ni Diokno.
Mula nang umupo sa opisina noong 2022, bumiyahe na si Marcos sa
Indonesia, Singapore, the United States, Cambodia, Thailand, Belgium, China, at Switzerland.
Sa susunod na linggo naman ay bibisita ito sa Japan para sa isang working visit.
Sa kabila nito, nilinaw ni Diokno na “I’m not saying… he (Marcos) is more effective than Duterte.”
“Duterte has the reputation … who left office and is still very popular. His approval rating was very high for somebody who’s leaving office. That’s the difference between the two,” aniya. RNT/JGC
Nag-post ng love life poll sa page ng OWWA, pinangaralan na – Arnell Ignacio

February 3, 2023 @2:57 PM
Views: 8
MANILA, Philippines – Pinagsabihan na ang social media practitioner na nasa likod ng pagpopost ng isang survey tungkol sa usaping love life sa official Facebook page ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ayon kay OWWA chief Arnell Ignacio.
Sa naturang survey, tinanong ang mga overseas Filipino workers (OFWs) kung pabor ba sila na magkaroon ng love life si Ignacio.
“This young, aggressive social media practitioner was reprimanded already,” ani Ignacio kasabay ng press briefing nitong Biyernes, Pebrero 3.
“It was all in good intention, kaya lang nilagay niya sa official page.”
Agad naman na nag-post ng disclaimer ang official Facebook page ng OWWA kung saan ang naunang post ay biglaan lamang na-post at hindi napag-isipan.
Kasunod nito ang pagsasabi na agad na tutugunan ang naturang insidente.
Ayon pa kay Ignacio, inaayos na ang grupo na nasa likod ng paghawak sa Facebook page ng OWWA.
“We have addressed this [mistake]. And when I say we all need the right information, hindi kami exempted roon. Kasali kami roon. That is why took it down already,” aniya.
Nanawagan naman si Ignacio sa publiko na tutukan lamang ang mga magagawa ng OWWA at hindi ang burado nang post ng ahensya.
“There are more significant things to turn our attention to,” sinabi pa niya. RNT/JGC
PH Strong Group siba sa Dubai tourney

February 3, 2023 @2:52 PM
Views: 10