James Gunn, in-unfollow sa Twitter ng “Avengers” “Black Panther” cast

James Gunn, in-unfollow sa Twitter ng “Avengers” “Black Panther” cast

August 2, 2018 @ 9:20 AM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Kahit nakatanggap ng simpatya ang direktor na si James Gunn sa kaniyang “Guardians of the Galaxy” cast matapos siyang mapatalsik sa ikatlong installment ng pelikula, ang iba namang mula sa Marvel Cinematic Universe ay tila off pa rin sa kaniya.

Hindi na kasi naka-follow sa kaniyang Twitter account ang mga “Avengers” star na sina stars Chris Evans, Tom Hiddleston, Chris Hemsworth, Robert Downey Jr. at Don Cheadle.

Unang nag-unfollow si Evans noong July 23, ilang araw lang matapos ianunsyo ng Disney ang pagpapatalsik sa direktor dahil sa ‘offensive tweet’ na pinost nito mula 2008 to 2011.

Kasunod nito, ilan din sa mga major star ng ‘Black Panther’ ay nag-unfollow rin sa kaniya kamakalwa (July 31). Kabilang sa mga ito ay sina Chadwick Boseman, Michael B. Jordan, Lupita Nyong’o, Danai Gurira at Letitia Wright pati na rin si Evangeline Lilly mula sa “Ant-Man and the Wasp”.

Kahapon (August 1) nag-unfollow na rin si Andy Serkis kay Gunn.

Ang tweet ni Gunn ay kinabibilangan ng ‘pedophilia and rape jokes’ na umani ng maraming pambabatikos.

Humingi na ng tawad si Gunn para sa kaniyang mga salita bago pa man siya masibak sa trabaho.

Sa letter na sumusuporta sa director, sinabi ng “Guardians” cast, “We are not here to defend his jokes of many years ago but rather to share our experience having spent many together on making ‘Guardians of the Galaxy’ 1 and 2. The character he has shown in the wake of his firing is consistent with the man he was every day on set…Each of us looks forward to working with our friend James again in the future.”

Nagsagawa rin ng online petition sa reinstatement ni Gunn bilang “Guardians” director, kung saan ang change.org petition ay nagra-rank sa mahigit sa over 240,000 signatures.

Samantala, hindi pa nag-aanunso ang Disney kung sino ang magiging kapalit ni Gunn, sumusulat ng script ng “Guardians 3.” Remate News Team