James, inaming ‘di naging masaya kay Nadine!

James, inaming ‘di naging masaya kay Nadine!

May 13, 2022 @ 3:20 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Big reveal na matatawag ang latest post ni James Reid sa kanyang Instagram account.

Sa darating na June, James will be celebrating his 29th birthday.

At para sa kanya, he’s bound to experience the best time of his life.

Parang nagbigay na rin ng panghimagas ang aktor na hindi niya maituturing na pinakamagandang bahagi ng buhay niya ang pakikipagrelasyon noon kay Nadine Lustre.

To think na nag-live in pa sila nang ilang buwan sa mismong bahay niya.

Pero ayon naman sa mga netizens, baka ang gustong sabihin ni James ay the best is yet to come.

Hindi man kasi naging successful ang lovelife niya, bawing-bawi naman siya sa kanyang international recording career.

At kung may Christophe Bariou man daw na natagpuan ang dating nobya, it’s just a matter of time at makakahanap din si James ng babaeng karapat-dapat sa kanya.

Samantala, may pakiusap si James sa mga taong magreregalo sa kanya on his birthday.

No cakes.

Hindi naman maialis sa mga netizen na mag- isip kung bakit. May kunek daw ba ang cake kay Nadine? Ronnie Carrasco III