James lumipat sa Lakers: ‘LABron’

James lumipat sa Lakers: ‘LABron’

July 2, 2018 @ 10:01 AM 4 years ago


Lumipat na naman ng koponan si NBA superstar Lebron James.
Sa pagkakataong ito, si James ay lumagda ng apat na taong kontrara na nagkakahalagang $154 million deal sa pinakasikat na koponang Los Angeles Lakers.
Isang buwan din pinag-usapan at lumutang ang maraming espekulasyon kung saan babagsak ang basketball career ng itinuturing ngayon na pinakamahusay na basketbolista sa buong mundo.
Lumipat si James sa Lakers, apat na taon matapos siyang magbalik sa kanyang hometown na Cleveland.
Taliwas ito sa nauna niyang sinabi na tatapusin niya ang kanyang karera sa basketbol sa Cavaliers.
Sa kanyang instagram ay lubos na nagpasalamat si James sa Cleveland sa pagsasabing: “Thank you Northeast Ohio for an incredible 4 seasons. This will always be home.”
Si James ang nagbigay ng kauna-unahang tropeo sa gutom sa kampeonato na Cleveland sa anumang sports, matapos ang 52-taon.
Pinangunahan niya ang Cavaliers sa NBA Finals history, matapos ang himalang pagkakabangon mula sa pagkakabaon sa 1-3 ng serye kontra Golden State Warriors na noo’y may pambihirang kartang 73-9 win-loss sa regular season.
Makaraang magkempeon sa NBA, tuluyan siyang napatawad ng Cleveland nang kanya itong layasan para lumipat sa Miami Heat kung saan ay nagbigay din siya ng kampeonato.
Si James ay naging four-time MVP at fourteen-time All Star.
Sa loob ng walong taon, ang paglipat sa Lakers ay ikatlong beses na niya. (Nats Taboy)