James, na-bash sa topless pic kasama si Liza!

James, na-bash sa topless pic kasama si Liza!

August 9, 2022 @ 7:20 PM 2 months ago


Manila, Philippines- James Reid, hindi na raw binigyan ng kahihiyan ang alagang si Liza Soberano!

Ito ang nagkakaisang opinyon ng mga tagasuporta ni Liza matapos kumalat sa social media ang litrato nila ni James na may isa pang male companion lulan ng isang sasakyan.

Nasa harapan si James at ang lalaking kasama habang sa likod nakapuwesto si Liza.

Hindi ang “blocking” ang inalmahan ng mga fans ng aktres kundi ang pagiging topless ni James at ng kasama nito.

Katwiran ng mga fans, kadalagang tao ni Liza ay kung bakit hindi man lang nagsuot ng pang-itaas ang dalawang lalaki?

Ano na lang daw ang maaaring sabihin kay Liza?

Pero may mga dumepensa naman kay James.

Bilang manager daw ni Liza ay imposibleng hindi niya pangalagaan ang aktres.

Posible rin daw na noong kinunan ang picture ay galing sila sa beach kaya topless si James at ang kasamang lalaki.

To top it all, granting na may malisya ang litrato ay tiyak na mas mauunang umalma ang nobyo ni Liza na si Enrique Gil kesa sa mga fans ng aktres.

Moral lesson: huwag agad maging judgmental! Ronnie Carrasco III