James, nag-sorry sa mga fans!

James, nag-sorry sa mga fans!

March 14, 2022 @ 2:55 PM 3 months ago


Los Angeles, USA – First time magkaroon ng live streaming si James Reid to the delight of his fans.

Among other things, humingi ng sorry si James dahil hindi siya nakapagpaalam when he left for the US.

Tatlong linggo nang nasa Los Angeles ang singer-actor.

Marami ang nag-akala na for good na siya roon, bagay na itinanggi ng ama niyang si Malcolm.

Dahil ang totoo, ang purpose ni James ay  para mag-recording.

True enough, he has been dealing with producers and songwriters doon.

Baka raw umabot ng 30 ang mga kantang mai-record niya by the time he comes back.

If plans don’t miscarry daw, by April ay narito na siya. Super homesick daw siya roon, aside from the fact that he misses the food here.

Hinihintay rin ng kanyang mga fans ang updates sa personal niyang buhay.

As in has he found a new girl to fill in the vacuum? Ronnie Carrasco III