James, nag-throwback sa pag-quit sa school!

James, nag-throwback sa pag-quit sa school!

November 16, 2022 @ 9:38 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Kung hitsura’t hitsura rin lang ang pag-usapan, ihalo mo sa crowd si James Reid ay tiyak na mag-i-stand out siya.

Ito ang eksaktong karanasan ni James noong estudyante pa lang daw siya ng Makati City Science School.

This was before he joined Pinoy Big Brother and eventually emerged as the winner sa batch na ‘yon.

Standout si James sa nasabing paaralan in the sense na tisoy siya.

Iba rin ang kanyang pananalita kumpara sa maraming mag-aaral doon.

Okey na sana ang takbo ng kanyang pag-aaral maliban sa kung paano siya ituring doon.

Aniya, hindi pa man siya sikat after joining PBB ay pinag-uusapan na siya sa campus.

Tinitilian daw siya roon na parang artistang iniidolo ng mga fans.

Pero ito ang hindi kinaya ni James.

Kinukunan daw siya ng litrato ng mga estudyante roon at ipinagbibili ang mga pictures niya!

Dahil hindi na niya matiis, James had to quit school.

Take note, isang buwan pa lang daw siyang enrolled doon at hindi na tinapos ang buong school year.

Thinking na hindi naman siya ganoong sikat pagkatapos manalo sa PBB ay sinubukan niyang mag-malling.

Pero nakasama pa ‘yon sa kanya as his presence created pandemonium at the mall.

Na-trap daw si James sa isang tindahan sa loob ng mall dahil hindi na raw magkamayaw ang mga taong nakapalibot sa kanya.

The security guards at the mall had to form a ring to cordon him off.

Inalalayan daw si James ng mga guwardiya hanggang makarating sa exit ng mall.

Sa present day kaya’y mangyari uli ‘yon kay James? Ronnie Carrasco III