James, nagsalita na sa pang-ookray kay Liza, na-bash!

James, nagsalita na sa pang-ookray kay Liza, na-bash!

March 7, 2023 @ 2:50 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Hindi pa rin tinatantanan ng bashers ang Fil-Aussie actor at Careless label CEO na si James Reid.

Siya kasi ang nasisisi sa diumano’y paglaki ng ulo ni Liza Soberano.

Siya rin umano ang itinuturong promotor ng rebranding sa kanyang talent pagkatapos ng rebelasyon ng aktres hinggil sa tunay na dahilan ng pag-alis nito sa poder ng Star Magic at sa dating talent manager na si Ogie Diaz.

Katunayan, ipinapalagay na pagpalag sa pagbira at panghuhusga kay Liza over “ingrata issue” ang kanyang latest tweet na “Society: Be yourself. Also society, no not like that…”

Hirit tuloy ng bashers, hindi raw kasama sa pagiging totoo ang pagsisinungaling.

May ilang misguided pang inaakusahan ang aktor na ‘pauso ng rebranding’ kaya may mga nasagasaan at nadamay dito.

Ito ang ilan nilang komento.

*There are so many ways to show your true self but lying isn’t one of them.”

“Be yourself but dont LIE. Dont use other people.”

“Being yourself and being hold accountable for the lies she spread are two different things, party boy.”

“Pauso ka ng rebranding pati Eat Bulaga, nadamay sa pautot mo.”

“Mabuti pa si Liza dine-defend mo. Sabagay kayo-kayo ang may idea niyan. Kasama na rin si Hope. Si Nadine bina-backstab ng Careless people pero wala kang ginawa. Sabagay trinaydor mo pa nga noon pa naman.”

“Tanga. Wala namang nagalit sa kagustuhan niyang mag-grow at maging ‘siya’. Nagalit ang mga tao dahil nakasagasa siya sa statement niya. No wonder, hirap na hirap yung mga tagasamba nyo na intindihin ang sitwasyon kasi mismong ikaw, parang nagbubulag-bulagan sa ginawa ng alaga mo.”

“Wala namang masama kung magpaka- ‘Be yourself,”. Ang Hindi lang okay doon, ‘yong sinabi niya na ikinahon siya.”

“Jinx ang rebranding na iyan.” Archie Liao