James Reid, bibida sa Pedro Penduko

James Reid, bibida sa Pedro Penduko

June 15, 2018 @ 2:44 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Ipinasilip ng Epik studios ang kanilang planong pagbuo ng sariling cinematic universe na pangungunahan ng pelikulang “Pedro Penduko” na gagampanan ni James Reid.

Ayon sa plano ng Epik studios, gusto nila na muling buhayin at ipakilala sa bagong henerasyon ang mga Filipino mythological characters sa pamamagitan ng isang teenager mula abroad na umuwi ng Pilipinas para balikan ang kaniyang nakaraan.

Tinawag ni Epik Studios president Paul Alexei Basinillo ang proyektong ito bilang “Engkantos” kung saan inihalintulad nila ito sa konsepto ng Marvel Cinematic Universe.

Unang ipapalabas ang “re-imagined version” daw ng Pedro Penduko sa susunod na taon kung saan pinaglaanan ito ng budget na P100-million.

Sa kaparehong taon din ipapalabas ang “Totoy Bato” ni Carlo J. Caparas, habang sa 2020 naman ipapalabas ang “Bernardo Carpio” kasabay ng “Osyana” at ng “Maria Makiling” na pagbibidahan naman ng ka-love team ni James na si Nadine Lustre.

Sa 2021 naman nakatakdang ipalabas si “Habagat” na tungkol sa isang winged creature na tagapaghatid ng kapayapaan at hustisya. (Remate News Team)