James Reid, lalayasan na ang Pinas, goodbye showbiz na?

James Reid, lalayasan na ang Pinas, goodbye showbiz na?

February 19, 2022 @ 9:22 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Matagal nang bulung-bulungan sa showbiz na napakatindi ng impluwensya ng ama ni James Reid sa kanya.

May mga nagsasabing si Malcom Reid, ang amang Australian ni James, ang nagpayo sa kanya na umalis na sa Viva at magtayo ng sarili n’yang recording company.

Malamang din umano na ang ama ni James ang nagpayo sa kanya na bumili ng mansyon sa isang upscale subdivision.

Last year, napabalitang ibenebenta na ang mansyon sa halagang P80 million.

Kinumpirma naman ng singer-actor na totoo ang balita.

Pero kahit na ngayong napapabalitang lilipat na si James sa Los Angeles, California, walang balita kung naibenta na ang mansyon.

Wala rin namang balita kung kasama ba ni James ang ama n’ya sa paglipat sa Amerika para maging manager din n’ya ru’n.

Hindi pa rin nililinaw ni James kung isasara na ang recording and production company n’yang binigyan n’ya ng napaka-negatibong pangalan: Careless. Siya at ang dati n’yang girlfriend na si Nadine Lustre ang pangunahing artists ng kumpanya.

May mga kapatid si James na pinapunta n’ya at ng ama n’ya sa Pilipinas para maging showbiz idols din. Walang balita kung bumalik na sila sa Australia para du’n na lang maghanapbuhay.

Hinihintay pa ng madla kung mag-aaksaya ng panahon si Nadine na mag-comment sa kapalarang sinapit ng ex-boyfriend n’ya dito sa bansa.

May mga nagpe-predict na ‘pag ‘di sinwerte si James sa Amerika, babalik na lang siya sa Australia at maghahanapbuhay bilang pangkaraniwang tao. Danny Vibas