Jameson Blake, nagsorry na!

Jameson Blake, nagsorry na!

July 6, 2018 @ 8:52 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Humingi na ng tawad ang aktor at hashtag member na si Jameson Blake matapos ang nag-trending niyang tweet kung saan siya ay nagpapagawa ng cover photo na kailangan niya para sa isang kumpanya.

Huwebes, (July 5) kumalat sa social media ang screen grab ng kaniyang tweet na kalaunan ay binura niya matapos siyang magpagawa ng isang cover photo para sa isang kompaniya na babayaran niya lang ng “Shoutout.” Trending rin ang mga memes tungkol sa insidenteng ito.

Sa tweet ni Blake, sinabi niya na para matigil na ang gulo, humingi na siya ng tawad sa lahat ng graphic artist dahil hindi naman daw niya intensyon na ipawalang halaga ang mga artwork nito.

“I apologize to all the graphic designers thingking I’m trying to degrade their artwork for something little as a shoutout. I know graphic designing isn’t an easy job and it requires a lot of work,” sabi ni Blake sa kaniyang tweet.

Hindi rin daw inasahan ng aktor na magiging malaking isyu ang kaniyang ginawa dahil ang kaniyang hinahanap ay mga volunteer lamang at humihingi lang naman daw siya ng pabor.

Binigyang diin niya pa na maaari naman niya maibalik ang pabor na ito sa pamamagitan ng pag-promote sa artwork ng mapipili niyang designer.

“It was just a favor. Probably a shoutout would have done nothing, but I could have  returned the favor by promoting the artwork.”

“Once again, I’m sorry and have no intention to look down on graphic designers and their artworks,” sabi pa ng actor sa kaniyang tweet. (Remate News Team)