JaMill, hinanting ng BIR, nagka-ayos na!

JaMill, hinanting ng BIR, nagka-ayos na!

September 21, 2021 @ 2:17 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Balik-YouTube na uli sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o higit na kilala bilang JaMill.

Matatandaang binura nila noong isang buwan ang kanilang YT channel.

Marami tuloy ang nagsabi na “mainit” kasi ngayon ang BIR sa mga social media influencers o vloggers na kailangan na nitong buwisan.

Nalathala na may listahan ng 250 vloggers ang nasabing ahensya na hinahabol nila.

Ang JaMill ay may 12 million subscribers at nakapundar ng ilang ari-arian mula sa kanilang vlogging.

Inamin ng couple na totoong pinuntahan sila ng BIR para i-educate sa tamang pagbabayad ng buwis. Naayos naman daw nila ito sa tamang paraan.

Pakiusap ni Jayzam sa publiko, huwag daw mg-isip ng negatibo kung hinahabol man ng BIR ang sinuman. Sa kaso nila, ibig lang daw sabihin ay may ambag sila sa gobyerno.

Samantala, hindi na itinuloy ng JaMill ang planong pagbebenta ng kanilang bahay. Bugso lang daw ‘yon ng damdamin noong panahong problemado sila. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •