JAMSAP, nag-launch ng 60 actors, papasukin na ang pelikula!

JAMSAP, nag-launch ng 60 actors, papasukin na ang pelikula!

December 24, 2022 @ 2:18 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sunod-sunod na ang mga talent center na naglo-launch ng kanilang naging talents and artists.

This time, ang Jamsap Entertainment Corporation naman ang nagpakilala ng kanilang nagong talents to watch for sa SMX Convention Center sa lungsod ng Pasay. Matagumpay na ipinakilala ng nasabing kumpanya ang kanilang humigit-kumulang na animnapung (60) talents mula sa apat nitong division: ang Jams Artist Talent Center, Jams Top Model Philippines, Jams Basketball Training Camp at Jams Artist Production.

Ang Jams Artist Talent Center ay nagsisilbing training ground ng mga talent na nangangarap maging artista, modelo, singer o dancer na may edad na 4 hanggang 45 taong gulang. Sumasailalim din sila sa masusing workshop sa acting, dancing at modelling na pinamumunuan ni Jessica Mendoza.

Ang Jams Top Model Philippines naman ay isang event producer na layuning makapag-produce ng top models sa bansa. Nagdaraos din sila ng taunang ramp model competition na sinasalihan ng libo-libong participants sa buong bansa.

May tatlong kategorya ito: Category 1 (aged 6-11 years old), Category 2 (aged 12 to 17 years old) at Category 4 (aged 18 to 25 years old). Pinangangasiwaan ito ni Josie Deog.

Ang Jams Basketball Training Camp naman ay isang training center na layuning linangin ang potensyal ng future basketball superstars. Nagho-host din ito ng mga torneo at paliga sa iba’t ibang munisipalidad at siyudad sa buong bansa with Patrick Alvarez as head.

Ang Jams Artist Production na pinangangasiwaan ni Maricar Moina ay isang talent at event production company na kinabibilangan ng iba’t ibang artists at models sa fashion at movie industry.

Nagsisilbi rin itong talent at casting agency na nagsu-supply ng talents sa iba’t ibang media platforms at networks.

Ang mga eklusibong talents nito ay nanggaling sa Jams Top Model Philippines at Jams Artist Talent Center.

Magiging bahagi rin sila ng mga pelikula, serye at digital ads na iproprodyus ng kumpanya para sa 2023.

Ang launch ng Jamsap talents na sinaksihan ng entertainment press ay dinaluhan ng kanilang CEO na si Jojo Flores at COO Maricar Moina.

Ang Jamsap Entertainment Corporation ay katuwang ng Philippine Movie Press Club bilang producer ng 2023 Star Awards for Television. JP Ignacio