Jane de Leon, apektado sa banat!

Jane de Leon, apektado sa banat!

August 16, 2022 @ 7:10 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Aminado ang bagong Darna na si Jane de Leon na affected siya sa mga bash na nakukuha niya bilang siya ang bagong superhero sa ABS-CBN ngunit lalo lang daw siyang pinalalakas nito.

“Ang sa akin…ma-appreciate nila ‘yung character ko and me as Jane de Leon.

“Syempre nasasaktan din ako (sa mga bash).

“Thankful din naman ako kahit paano na nandyan sila para pagbutihin ko ‘yung mga ginagawa ko, para maging strong ako as as a person. Hindi lang naman ang binibigay nila sa atin ay sakit sa puso, syempre kailangan din natin tatagan ‘di ba?” sabi ni Jane.

Inamin din ni Jane na nagkng emosyunal siya nang for the first time ay isinuot niya ang Darna costume.

“Actually, nung hindi ko pa nasusuot ‘yung buong costume ‘yung helmet pa lang, teary-eyed na talaga ako kasi para siyang korona — korona ni Darna,” sabi pa niya. Joey Sarmiento