Jane de Leon, nabosohan sa Dubai!

Jane de Leon, nabosohan sa Dubai!

June 25, 2022 @ 1:40 PM 1 month ago


Dubai, UAE -Buti na lang at nagkataon na open city na ang Dubai dahil kung hindi ay baka nakasuhan pa si Jane de Leon sa suot na sobrang iksing maong skirt habang namamasyal sa naturang progressive na bansa.

Sa video ay ipinost ni Jane na tumatakbo siya para makaiwas sa sobrang init ng klima sa Dubai. Makikita na kinukunan ang pag-akyat niya sa hagdan palabas ng kalye hanggang sa pagtakbo nito papunta sa ilalim ng puno para sumilong dahil sa sobrang init ng sikat ng araw.

Habang umaakyat siya ng hagdan ay nakatutok ang camera sa llalim ni Jane kaya naman nabobosohan siya na kung saan kitang-kita ang kanyang singit habang umaakyat.

Nasa Dubai si Jane dahil may show sila ni Joshua Garcia. Siguro naman ay may nagpaalala kayJane na maging maingat sa pagsusuot ng seksing damit habang nasa Dubai siya.

Dalawang bagay ang siguradong mangyayari sa kanya kapag nakursunadahan siya ng authority. Ang worst na possible na mangyari sa kanya ay mapagsamantalahan ng mga maniac sa nasabing lugar.

Summer season ngayon sa UAE kaya talagang sobrang init ng klima sa naturang bansa. Gerry Ocampo