Jane, epal sa production!

Jane, epal sa production!

November 26, 2022 @ 9:12 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Nakapagtatakang never pang nagkakasama sa isang TV o film project sina Coco Martin at Jane de Leon.

Pero huwag ka, tila nag-rub off kay Jane ang off cam role ni Coco na tumayong creative director ng show nitong Ang Probinsyano.

Kuwento ni LA Santos na kasama ni Jane sa Darna, pati raw acting ng mga co-stars nila roon ay pinapansin ni Jane.

Pag hindi raw medyo pasado kay Jane ang ibinibigay na acting ng mga ito, she calls their attention.

Maging hanggang editing daw, itsurang ala una o alas dos ng madaling araw ay nakabantay si Jane.

Aba, kulang na lang ay maging assistant director o editor si Jane sa sobrang metikulosa.

Bagama’t kapuri-puri ang malasakit ni Jane na mapagandang lalo ang first ever series niya sa ABS-CBN ay marami rin ang naoo-OA-n sa kanya.

For one, bilang cast member and lead star at that, dapat daw ay tumutok na lang ito kung paano niya mai-improve ang acting niya.

Marami kasi ang nagsasabing sablay si Jane sa acting department.

So imbes daw manita siya ng acting ng may acting, ‘yung kanya muna ang paglaanan niya ng atensyon.

Sukdulan na rin daw ang pagbabantay nito sa editing.

That being a technical aspect ay hindi na raw dapat pinakikialaman ni Jane.

Understandable daw ang pagtutok ni Coco sa serye niya noon dahil sa tagal na rin nito bilang artista.

Eh, si Jane ay wala pa naman daw napapatunayan.

Kulang na lang ay sabihan nila si Jane na nagmamagaling at umeepal.

Your reaction, Jane. Ronnie Carrasco III