Jane, hindi raw bagay sa Darna, may mensahe sa bashers!

Jane, hindi raw bagay sa Darna, may mensahe sa bashers!

August 20, 2022 @ 9:25 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Ibinahagi ni Jane de Leon ang pinagdaanan niyang batikos sa mga bashers. May nagsasabing hindi raw siya bagay sa role na Darna at maging ang ilang showbiz personalities ay may comment din sa kanya na kesyo wala siyang dating bilang iconic superhero.

Sinagot ni Jane ang mga batikos sa kanya tungkol sa pagkakapili sa kanya bilang bagong Darna.

Inamin ni Jane na nasasaktan siya sa mga batikos sa kanya. Umpisa pa lang daw nu’ng siya ang napiling Darna mula sa 300 hopefuls ay sinumulan na siyang i-bash. Nandoong wala raw siyang karapatan maging Darna.

Aminado si Jane na isang baguhan pa lang siya pero pinalad na napiling gumanap na Darna na maging siya ay hindi makapaniwala dahil napakaraming naghahangad sa role na ‘yun.

“Hindi ko alam kung paano ko iha-handle, Siyempre, naapektuhan din ako, ganyan, bakit nila sinasabi ‘to?” aniya.

“Pero after a year and some months, na-realize ko rin po na may point din naman po sila. Bakit nga ba ako ang napili? Sa totoo lang, hindi ko rin po alam kung bakit ako ang napili,” pagtatapat ni Jane.

Ipinagtanggol naman si Jane ni Regine Velasquez-Alcasid.

“Alam ko, naiintindihan ko kung bakit si Jane ang pinili ng ABS-CBN, kasi ‘yung someone who is new and fresh. Siyempre, ang gusto nating Darna ay bagong mukha,” pagtatanggol ng Asia’s Songbird

Sabi pa ni Ms Regine, “I remember, when it was Angel (Locsin), bago, eh. Si Vilma Santos, she was so young when she did Darna. Kilala natin siya pero baguhan din siya. Even Lorna Tolentino.

“So, tamang-tama lang na bagong mukha rin ang magiging Darna ngayon.”

Na-share rin ni Ms Regine, year 2003 ay gumanap din siyang Darna sa Captain Barbell movie na pinagbidahan ni Senator Bong Revilla.

Anyway, sinuportahan si Jane ng kanyang mommy sa kabila ng mga natatanggap na batikos.

“Parang ang hirap din on our part kasi ako, nakikita ko siya minsan, umiiyak. Pero strong naman si Jane. So, over the years, natutunan din niya na mag-adjust sa mundo ng show business. At yun ang nagpapatibay din sa kanya. So, iniintindi niya na lang.

“Sabi ko, ‘I think, hindi ka nila kilala kaya siguro nasabi nila ‘yun. Kasi wala silang nakikita sa ‘yo, puro social media lang.’

“So we kept on telling her na, ‘Siguro, mag-ano ka ng ibang platform.’ That’s why nag-start siyang mag-vlog para mas makilala siya,” pahayag ng mother ni Jane. Gerry Ocampo