Jane, nagbigay ng P500, na-bash!

Jane, nagbigay ng P500, na-bash!

October 25, 2022 @ 3:37 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Ang lahat ng paraan para umingay ang Darna ay gagawin ng produksyon.

Remember ang promo stunt na ginawa ng bida roon na si Jane de Leon involving jeepney drivers plying the Guadalupe route in Makati?

Going east naman kamakailan si Jane kasama ang dalawa niyang co-stars sa Darna.

Napagtripan nilang sugurin ang Marikina public market.

Partikular na hinatiran ni Jane ng biyaya ang isang clueless na mais veendor.

Ang ginawa ni Jane ay pinakyaw niya ang paninda nito at ipinamahqgi ang mga biniling mais sa mga taong nakapaligid sa palengke.

Hindi pa roon natapos ang palengke raid ni Jane.

May ibinigay pa siyang challenge sa mais vendor na inabutan niya ng P500.

Ang hamon ay bumili ang vendor ng dalawang pang-ulam na magkakasya sa naturang halaga.

The vendor gamely obliged.

Nakapamalengke ito ng baboy at mga gulay.

Bilang bonus ay dinagdagan pa ito ng manok ni Jane.

Pero ito ang kaso ng gumawa ka na ng kawanggawa sa kapwa ay may mga nagrereklamo pa.

Bakit daw P500 lang ang iniabot ni Jane?

Ano raw ba ang mabibili ng ganoong halaga sa sobrang taas ng mga bilihin ngayon?

Hindi nga raw ba’t itinigil ni Judy Ann Santos ang kanyang cooking vlog dahil disappointed ang aktres sa taas ng mga bilihin?

Paano raw niya mai-introduce ang mga economical recipes?

At ‘yung bonus na manok daw na dinagdag ni Jane sa mga naipamili ng mais vendor, mas maa-appreciate daw ‘yon ng tindero kung cash na lang sana ang lumanding sa palad niya.

Clearly a case of damned if you do, damned if you don’t! Ronnie Carrasco III