Jane, napikon sa basher, rumesbak!

Jane, napikon sa basher, rumesbak!

September 20, 2022 @ 9:26 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Maaaring idahilan ni Jane de Leon na tao lang siya, marunong ding mapikon.

Sa isang video, wari’y binasa ni Jane ang comment ng isang basher na hindi raw bagay sa kanya ang papel bilang Darna.

Maikli pero diretso ang reaksyon ni Jane.

Aniya sa basher, “Eh, ‘di huwag kang manood! Pinipilit ba kitang manood?”

Matatandaang halos ganito rin ang comment ng self-confessed sawsawera sa showbiz na si RR Enriquez.

Bago pa kasi umere ang Darna series sa TV, hindi kumbinsido si RR that Jane has got what it takes to portray the iconic character.

Oo nga raw at maganda ito at mahusay umarte but for Jane to essay the role ay malambot ito.

Pero may punto rin naman si Jane, depensa ng marami laban sa kanyang mga bashers.

Ang dali-dali namang magljpat ng channel kung hindi nababagayan ang mga bashers kay Jane.

Ano ba naman ang katapat nitong Lolong ang panoorin ng mga bashers?

Pero kung kami kay Jane, ipamumukha namin sa mga bashers na dumaan siya sa masusing auditions before the role landed on her lap.

Isandaan mahigit ang bilang ng mga auditionees.

At para siya ang napili in the end, ibig lang sabihin na mismong ang home network niya ang naniniwala that the much-coveted Darna role fits her to a T.

Now, kung ayaw pa rin nila kay Jane for the role, oo nga naman…don’t watch her! Ronnie Carrasco III