Janella at Markus, hiwalay na?

Janella at Markus, hiwalay na?

April 28, 2022 @ 9:33 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon ng netizens ang tila hiwalayang naganap sa relasyon nina Janella Salvador at Markus Patterson.

Mapapansin kasi na buwan na rin ang nakalipas simula nang magbahagi ang dalawa ng pictures together sa kani-kanilang social media accounts which netizens find unusual.

May mga ibinabahagi naman ang dalawa na larawan kasama ang kanilang anak na si Jude pero walang buo sila o magkasama.

Bukod dito, pansin din ng fans and supporters na may mga travel ang dalawa pero ni minsan ay hindi nagkasama.

Wala pa namang binibigay na statement ang dalawa regarding this pero marami ang hoping na just like what Moira and Jason did, eh, itanggi rin ng dalawa ang kanilang hiwalayan.

Kapit lang fans, let’s wait for the official statement! Paula Jonabelle Ignacio