Janella, magpapaka-daring, game makipaglaplapan sa kapwa babae!

Janella, magpapaka-daring, game makipaglaplapan sa kapwa babae!

February 4, 2023 @ 9:18 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Proud na itsinika ni Janella Salvador na nagsasalita na ang kanyang two-year old baby na si Jude Trevor.  Si Jude ay anak ni Janellla sa dating boyfriend na si Markus Paterson.

“Marunong na siyang mag-I love You. Nagsasalita na siya,” kwento ni Janella nu’ng makausap namin sa finale mediacon ng  hit pantaserye ng ABSCBN, ang  “Darna.”

Nakwento rin ni Janella na nabibisita naman daw ni Markus ang anak nila na si Jude.

“Yes. Regularly. Nagkikita sila. He needs a dad,” diin niya.

Regular din kaya ang pagbibigay ng financial support ni  Markus for Jude?

“Uh, we’re working on it,” tugon ni Janella.

After ng “Darna,” ready na si Janella to accept more challenging and daring roles. May nagsa-suggest na ng team-up nina Janella at Jane de Leon sa isang proyekto na may konspetong  mala-girl’s love.

Payag kaya si Janella?

“Yeah, definitely,” sagot ni Janella. “If medyo sexy? Hmm, depends siguro kung gaano kalayo ‘yung sexy. Pero gusto ko.lang syempre ma-portray ng maayos ‘yung role.”

Tinanong namin si Janella if okey lang sa kanya ang makipag-kissing scene sa kapwa niya female celebrity on screen.

“Oh, yeah, that’s fine. Boy, girl, it’s okay  with me. Pero syempre pipiliin ko pa rin. Syempre, gusto ko respectable ‘yung mga project ko. Pero when you say respectable it doesn’t mean na hindi sexy. You can be sexy and respectable at the same time.”

Napadilat naman ang mga mata ni Janella when we asked her again if aprub sa kanya ang mag-topless in her future projects.

“Topless?! Oh, wait lang. Hahaha. Uh, may limits pa siguro ako. Pero mas daring na ako ngayon,” say niya.

Dinumog naman ng libo-libong fans ang back-to-back #DarnaCaravan na ginanap sa Vista Mall Bataan at Robinsons Galleria South sa Laguna noong Sabado (Enero 28 ) at Linggo (Enero 29). Julie Bonifacio