Janella, matagal nang bistado si Joshua!

Janella, matagal nang bistado si Joshua!

January 31, 2022 @ 3:38 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sa kanyang YouTube channel, na-interview ni Ogie Diaz si Janella Salvador kaugnay ng reaksyon nito na crush siya ni Joshua Garcia.

 Sa isa kasing benefit show ng ABS-CBN, ibinuking ni Daniel Padilla na “crush” ni Joshua ang kanyang “The Killer Bride” leading lady na si Janella.

 Si Janella rin ang kasama ni Joshua sa “Darna: The TV series” kung saan gumaganap itong Valentina.

Inamin naman ni Joshua na talagang matindi ang crush niya kay Janella sa nabanggit na event.

 Ayon naman kay Janella, matagal na raw niya itong alam dahil vocal daw namang sinabi ito sa kanya ng actor.

“Sinabi naman niya ‘yun sa akin dati. Nu’ng killer bride pa, he told me. Saka nakita ko din ‘yung ibang interviews niya dati so napag-usapan namin ‘yun ni Joshua dati,” ayon sa Kapamilya actress.

 Dagdag pa niya, close raw sila at mabuting magkaibigan ni Joshua.

“Natuwa ako sa kanya kasi ‘yung pagkasabi niya sa akin, he really respects me so, ‘yun ‘yung maganda kay Joshua,” dagdag pa ni Janella.

Wish din daw niya na lalo pang pumalo ang karera ni Joshua lalo pa’t kamakailan lamang ay namayagpag ito sa TikTok.

“Magiging masaya rin si Joshua, deserve niya ‘yun,” hirit niya. Archie Liao