Janella, may trauma sa alcoholic; Markus, pinaringgan?

Janella, may trauma sa alcoholic; Markus, pinaringgan?

September 6, 2022 @ 7:10 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Diretsahang binahagi ni Janella Salvador sa interview nito sa vlog ni Ogie Diaz na mayroon siyang trauma sa mga lasing na tao particularly sa men.

“‘Yung part na na-trauma ako for some reason is being around drunk people, drunk men.

“Kapag lalaki tapos lasing tapos wala sa sarili, du’n ako na-trauma,” saad ng aktres.

Matapos sabihin ito, wala pa mang follow-up question ay idinugtong na niyang alam ng ex partner niyang si Markus Patterson ‘yun.

Agad naman siyang tinanong ni Ogie kung paano si Markus bilang alam nitong may trauma si Janella sa mga lasing, tawa lang ang nasagot ng aktres.

“Natatawa na lang ako,” sagot nito.

Palaisipan tuloy ngayon sa netizens at fans, marahil ang pagiging lasenggo ni Markus ang dahilan kung bakit hiwalay na sila ni Janella.

Nitong nakalipas na araw lang ay inamin ni Salavador sa vlog ni Bernadette Sembrano ang pagiging single mom nito, confirmation na wala na nga sila ni Markus.

Pero is this really because of Markus being a manginginom? Hmmmm. Paula Jonabelle Ignacio