Janella, nagpasilip ng puwet!

Janella, nagpasilip ng puwet!

July 13, 2021 @ 10:58 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kahit sino ay tiyak na mapapa-“Wow!” sa latest photo ni Janella Salvador na ipinost niya sa social media.

Hindi mo aakalaing nanganak na siya courtesy of Marrkus Paterson.

Kung ‘di ba naman, labas lang naman ang pisngi ng kanyang matambok na puwet suot ay underwear lang with top.

“Hot mamma” kung i-describe siya ni Liza Soberano.

Pero sa lagay na ‘yon, aminadong bantulot si Janella kung ipo-post niya ang litratong ‘yon.

Hindi pa raw niya kasi ganap na naa-achieve ang kanyang postpartum weight loss goals, at kailangan pang magbawas ng 13 pounds to achieve her desired look.

Minsan nang inamin ni Janella na bumaba raw ang tingin niya sa kanyang sarili noong nagbubuntis hanggang makapanganak.

Nawala raw ang pagiging banidosa niya noon, but look at her now.

Konting panahon pa, Janella will be back to her old still-desirable self! Ronnie Carrasco III