Janella, nagsalita sa real score nila ni Markus!

Janella, nagsalita sa real score nila ni Markus!

August 10, 2022 @ 10:18 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sina Janella Salvador at Markus Paterson pa ba?

Matagal nang palaisipan kung hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang relasyon ng dalawa.

Pero sa nakaraang mediacon para sa bagong programa ni Janella, mahihinuhang tinapos na nila ang kanilang ugnayan ni Markus.

Indirect nga lang.

Ayon kay Janella, “We’re both happy. I’m at peace. Okey naman kami.”

Sa aminin man o hindi ng aktres ay safe kundi man gasgas nang linya ang binitiwan niya para pagtakpan ang totoo.

Basta ang priority raw nila ni Markus ay ang dalawang taong gulang nilang anak, si Jude Trevor.

Samantala, maayos na rin daw ang relasyon ni Janella sa kanyang actress-mother na si Jenine Desiderio.

Isang bukas na aklat ang kanilang love-hate relationship.

Pero ayon kay Janella, hindi raw talaga maiiwasan sa mag-ina ang magkaroon ng ‘di pagkakaunawaan.

Matatandaang sinundan pa ni Jenine ang anak sa London noong isilang nito si Baby Jude. Ronnie Carrasco III