Janella, pursigidong ituloy ang kaso sa nam-bully sa anak!

Janella, pursigidong ituloy ang kaso sa nam-bully sa anak!

July 13, 2021 @ 5:41 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Nagkataong may importanteng bagay na aasikasuhin, pero tiniyak ni Janella Salvador na pursigido siyang ituloy ang kaso kaugnay sa pambu-bully sa kanilang anak ni Markus Paterson.

Sa London, England ipinagbuntis hanggang ipanganak si Baby Jude.

Ayon kay Janella, okey lang daw kung siya na lang ang pinuntirya ng netizen, huwag lang ang walang kamuwang-muwang niyang anak.

Ang hindi kasi mapalampas ni Janella ay nang sabihan ng hater na magka-COVID sana si Baby Jude.

“I asked if it was just a joke. I mean, why pick on a baby,” himutok niya dahil natural lang daw sa kahit sinong magulang ang protektahan ang kanyang anak.

“That’s why I’m standing up for my child,” pangako niya.

Paglabag sa Republic Act 9262 o Violation Against Women’s and Children’s rights ang maaaring isampang kaso sa usaping ito. Ronnie Carrasco III