Janella, Valentina sa Darna!

Janella, Valentina sa Darna!

November 19, 2021 @ 4:45 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Sa wakas, pinangalanan na kung sino ang magiging ahas!

Si Janella Salvador ang napiling character na gaganap bilang Valentina na siyang pinaka-makakalaban ng character ni Jane de Leon as Darna sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series ng ABS-CBN.

Nitong mga nakalipas na taon ay nabitin ang mga Pinoy sa kung sino nga ba talaga ang gaganap sa nasabing karakter lalo’t ito talaga ang huling isiniwalat.

Isa si Janella sa mga female celebrities na sumubok mag-audition sa isa sa pinaka-aabangang role at mismong si Direk Chito Roño ang pumili sa kanya. (source: ABS-CBN)

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling lalabas si Salvador sa telebisyon o ang kanyang “comeback” matapos ang ilang taong pagpapahinga kaya naman maraming nag-aabang sa muling pagpapakita ng talento nito sa pag-arte.

Matatandang iniwan niya ang showbiz nang isilang ang kanilang first baby ng boyfriend na si Markus Patterson sa United Kingdom nito lamang nakalipas na taon.

Medyo matagal ding nawala ang aktres pero ang suporta ng fans, matindi pa rin!

Isa ang karakter niya sa tiyak na aabangan ng lahat! Excited na ba kayo? Paula Jonabelle Ignacio