Janelle, nagsalita na sa isyu sa misis ni Baron!

Janelle, nagsalita na sa isyu sa misis ni Baron!

September 23, 2022 @ 8:30 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Naging malaking kontrobersya noon ang pagko-call out ng misis ni Baron Geisler kay Janelle Tee dahil sa pagseselos nito sa aktres na nakasama ng mister sa isang sexy action movie.

Katunayan, na-drag ang pangalan ng aktres at hindi siya nakaligtas sa bashers na nag-akusahang siya ang third party sa nagkakalabuang relasyon ng mag-asawa noon.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa aking eklusibong panayam, nagsalita na si Janelle sa nasabing isyu.

Aniya, okey na raw sila ni Jaime Evangelista, ang maybahay ni Baron.

Paliwanag pa niya, humingi na raw ang mag-asawa ng paumanhin sa kanya dahil nadawit ang pangalan niya sa nasabing isyu.

“Actually we’ve been so okay. They said sorry. Both of them said sorry to me privately. Parang hindi ko naman kailangang i-post iyon that they said sorry and we’re ok.

“Even from the beginning, we were okay naman. During the shoot, nagpaalam kami na ganito ang eksena namin and even after the eksena na, ‘sorry talaga na kailangang gawin iyon for the movie,’ ganoon. His wife is so cool naman.

“Siguro, nagkaroon lang ng misunderstanding. I’m so grateful naman na naayos na siya ngayon,” paliwanag niya.

Tungkol naman sa kakaibang transformation ni Baron recently na kinarir ang kanyang pa-abs at pang-romansang pigura na ala-Papa P, aniya, clueless daw siya sa ganoong development sa buhay ng kaibigan.

Naka-social media detox daw kasi siya ngayon kaya hindi siya updated sa mga kaganapan sa showbiz.

“Nag-cool off kasi ako sa social media, so hindi ko siya nakikita . Wow. Congrats kung na-achieve niya iyon. For sure, pinaghirapan naman niya iyon. Kasi naaalala ko noong ginagawa namin ang Pusoy, medyo conscious siya sa katawan niya, sa tiyan niya ganoon,” hirit niya.

Itinangggi naman niya na siya ang inspirasyon ng actor na na-link sa kanya sa pagpapapayat nito.

“Naku, hindi naman po. For sure ang inspirasyon niya ay ang kanyang pamilya. For sure also, I think it’s for the work. I feel that he’s into being an actor so much. Siyempre, ngayong in demand na rin ang pagpapaseksi, talagang pinaghahandaan din niya iyon,” esplika niya.

Sa “The Escort Wife” na mapapanood na sa Vivamax, ginagampanan ni Janelle ang papel ni Patricia, isang bored housewife na gustong makaranas ng kakaibang adventure.

Mula sa panulat ni Yam Laranas, ang “The Escort Wife” ay idinirehe ni Paul Basinillo. Archie Liao