Janelle Tee, inactive sa socmed, nagpaliwanag!

Janelle Tee, inactive sa socmed, nagpaliwanag!

September 14, 2022 @ 12:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Maraming Marites ang hindi mapakali dahil for a number of weeks ay dedma ang Vivamax A-lister sa socmed. Wala siyang binibigay na update sa FB at sa IG hindi gaya noon na lagi siyang may post sa mga namgyayari sa kanya.

Buti na lang ay nagpaliwanag ang former beauty queen sa private screening ng kanyang latest starrer sa Vivamax, ang The Escort Wife. Malamang ay magiging kalmado na ang mga Marites.

“Inactive talaga ako ngayon sa socmed and sinadya ko ‘yun. Wala naman akong pinagdadaanan pero kailangan ko lang talaga ng pahinga.

“I feel kasi na sobra na ang socmed kaya nag-detix lang ako just like before nu’ng nasa pageant ako noon. Nagpahinga lang ako.

“Pagbalik ko sa socmed, kapag nakapag-recharge na ako, e, marami ulit akong pasabog and paandar,” pag-explain ni Janelle.

Marami tuloy ang nagsabi na siguro ay may nambabastos sa kanya sa socmed lalo na’t from beauty queen at naging sexy star na siya ng Vivamax. Matitindi kasi ang pagpapa-sexy niya sa movie lalo na sa The Escort Wife kung saan soya ang bida.

“Yeah, may mga nagme-message ng bastos sa socmed pero expected ko naman ‘yun and hindi ko siya masyadong binibigyan ng pansin lalo na kung hindi ko kilala,” dagdag pag-explain pa ni Janelle.

Anyway, bongga ang career ni Janelle billang sexy star dahil hindi siya nawawalan ng project.

“Sobrang grateful ako sa Viva family ko kasi lahat, binibigay nila sa akin.

“From the start, goal ko na talaga ang mapunta sa sexy route pero pinasok ko ito hindi para magpa-sexy lang pero to be the best actress as I can be,” sabi niya.

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin pinaguusapan sa family ni Janelle ang pagpapa-sexy niya.

“Hindi pa rin nila nakikita ang mga sexy movies ko and I hope, maging proud sila sa akin, sa acting skills, kung sakaling mapanood nila but I know ‘yung pagpapa-sexy ko, hindi pa nila tanggap,” sabi ni Janelle.

Matitindi ang sexy scenes ni Janelle sa The Escort Wife. May sex scenes siya sa iba’t ibang lalake at soguradong mabubusog ang mga barako sa boobs ng dating beauty queen. Bukod sa may sex scenes siya sa kanyang keading man na si Raymond Bagatsing ay may sex scenes din sila ng kanyang kapwa sexy star na si Ava Mendez.

Ang The Escort Wife ay dinirehe ni Paul Basinillo. Streaming na ang nasabing movie sa Vivamax soon. JP Ignacio