Janelle Tee, susunod sa yapak ni Ana Capri!

Janelle Tee, susunod sa yapak ni Ana Capri!

September 2, 2022 @ 10:11 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Unli ang mga papuri na ibinigay ng veteran at award-winning direktor na si Joey Reyes sa Miss Philippines Earth 2019 na si Janelle Tee. Si Janelle ay isanv beauty queen na ngayon ay himahataw sa mga projects ng Vivamax.

Nabanggit pa ni direk Joey ang magaling at award winning actress na si Ana Capri dahil sa pagiging ‘thinking actress’ nito.

“Kung may Ana Capri noon, siguro, si Janelle na ang pupunta sa ganu’n. Janelle is also a thinking actress, maybe the next Ana Capri.

“i love Janelle. She will last because she can do so many things, she is versatille, from beauty queen to now, actress. She got what it takes,” tuloy-tuloy na papuri ni Direk Joey sa beauty queen.

Hindi rin nakawala sa paningin ni Reyes ang isa pang Vivamax sexy star na si Rob Guinto.

“Sa totoo lang, maraming talentless actors pero I will go for Janelle or even RobΒ Β na masipag na aktres and willing to learn. Rob is more than just a body,” sabi ni Direk.

Si Direk Joey ang captain of the ship at ang nagsulat ng four-part Vivamax original series na β€œAn/Na” na pinagbibidahan ni Janelle. Bukod kay Rob ay kasama rin dito sina Migs Almendras, Greg Hawkins, Guji Lorenzana, Fabio Ide, Rolando Inocencio, Micaella Raz, CJ Jaravata, Axel Torres, Azi Acosta, at Clara del Rosario. Streaming na ito sa Vivamax come September 25, 2022. JP Ignacio