Janice, sinariwa ang sampal ni Maria!

Janice, sinariwa ang sampal ni Maria!

November 25, 2022 @ 3:30 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Sa guesting ni Janice de Bellen sa Wala Pa Kaming Title vlog, ikinwento niya ang malakas at masakit na sampal sa kanya ni Maricel Soriano sa isang eksena ng pelikulang pinagsamahan nila noong 1988, na Babaeng Hampaslupa. Gumanap sila rito bilang magkapatid.

“Nasubukan niyo na bang masampal ni Maricel Soriano?” sabi ng natatawang si Janice.

“May eksena kami sa Babaeng Hampaslupa. Kami ni Rowell Santiago, galit siya (Maricel).

“So talagang, alam mo ‘yung dalawa kayong nasampal sa isang sampal?” pagbabalik-tanaw pa ni Janice.

Ang eksenang sinasabi ni Janice ay nu’ng malaman ni Maricel na nabuntis ng dati niyang boyfriend na si Rowell Santiago ang karakter ni Janice.

Masakit para sa kanya na malaman na after ng relasyon nila ni Rowell ay si Janice, na kanyang kapatid, ang sumunod na minahal nito.

Ayon pa kay Janice, sobrang nadala si Maricel sa eksena na ang sampal nito sa kanya ay umabot kay Rowell.

“Kasi galit na galit siya! Kapag sumampal pa naman si Maria… kasi kahit maliit siya, she’s very strong.

“E, yung eksena niya galit na galit siya. So up na up yung energy niya.”

Sabi pa ni Janice, dalang-dala si Maricel sa eksena dahil nasaktan siya.

“Pero in fairness, wala kaming problema sa pag-iyak after noon kasi ang sakit.

“Pero may pula talaga sa mukha,” sabi ni Cookie. Rommel Placente