Janine Gutierrez winner sa 43rd Gawad Urian

Janine Gutierrez winner sa 43rd Gawad Urian

November 11, 2020 @ 5:16 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Inilabas na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga winners sa iba’t ibang kategorya sa 43rd Gawad Urian. 

 

In-announce nila ito sa pamamagitan ng kanilang social media broadcast like Facebook page at YouTube channel.

 

Major winners sina Janine Guttierez at Elijah Canlas. Tinanghal na best actress ang una para sa pelikula niyang ‘Babae at Baril’ samantalang ang huli naman ay bilang best actor para sa ‘Kalel 15.’

 

Ito ang first time na nanalo ng acting award ang dalawa mula sa nasabing award-giving body. 

 

Bongga si Janine dahil ang tinalo niya sa best actress category ay sina Alessandra de Rossi para sa ‘Lupid,’ Angie Ferro para sa ‘Lola Igna,’ Anita Linda para sa ‘Circa,’ Bela Padilla para sa ‘Manianita,’ Jean Garcia para sa ‘Watch Me Kill,’ Nadine Lustre para sa ‘Ulan,’ Ruby Ruiz para sa ‘Iska,’ Sue Prado para sa ‘Alma-Ata,’ Max Eigenmann para sa ‘Verdict’ at Kathryn Bernardo para sa ‘Hello Love, Goodbye.’

 

O ‘di ba, puro award winning actress ang tinalo ni Janine?

 

Pero in fairness, marami ang nakapanood ng ‘Babae at Baril’ at magaling daw talaga ang anak ni Lotlot de Leon. Kahit kami ay nagsasabing deserving manalo si Janine. 

 

To Janine, congratulations!

 

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa 43rd Gawad Urian:

 

Best Picture – ‘Babae at Baril’

Best Actor – Elijah Canlas (‘Kalel, 15’)

Best Actress – Janine Gutierrez (‘Babae at Baril’)

Best Supporting Actor – Kristoffer King (‘Verdict’)

Best Supporting Actress – Yayo Aguila (‘Metamorphosis’)

Best Direction – Rae Red (‘Babae at Baril’)

Best Screenplay – Jun Lana (‘Kalel, 15’)

Best Cinematography – Tey Clamor (‘Babae at Baril’)

Best Documentary – Miko Revereza (‘No Data Plan’)

Best Short Film – Carla Pulido Ocampo (‘Tokwifi’)

Best Production Design – Eero Yves Francisco (‘Babae at Baril’)

Best Editing – Ilsa Malsi (‘Babae at Baril’)

Best Music – Jude Gitamondoc, Cindy Velasquez, Cattski Espina (‘Huwebes, Huwebes’)

Best Sound: Mikko Quizon, John Michael Perez, RJ Cantos (‘Mañanita’). Rommel Placente


  •  
  •  
  •  

Loading...