Janine, inokray sa pagpapa-ikot sa real score with Paulo!

Janine, inokray sa pagpapa-ikot sa real score with Paulo!

January 26, 2023 @ 2:45 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Way past her age.

Ito ang nagkakaisang opinyon ng publiko sa tila pagpapa-cute ni Janine Gutierrez nang usisain ang real score sa kanila ni Paulo Avelino.

Sagot kasi ng aktres, “Alam n’yo na ‘yon. Gets n’yo na ‘yon!

Wala mang direktang pag-amin na sila na nga officially, malinaw ang gustong ipahiwatig ng aktres: yes, she and Paulo are in a relationship.

Ayon sa mga Marites, kung tutuusin daw ay hindi na nga kailangang usisain si Janine tungkol doon.

Gasgas man, ‘yung sa kanila ni Paulo is what you see is what you get.

Sa sagot daw ni Janine, halatang napako na ang edad niya bilang teenager.

Hindi na raw cute tingnan lalo’t open book ang nakaraan ni Paulo na hindi na rin naman teenager.

“She’s way past that age and stage!” sey ng isang netizen.

Gaano raw ba kahirap para kay Janine na aminin ang relasyon nila ni Paulo samantalang obyus naman daw ito?

Sey pa ng isang netizen: “What’s stopping Janine from telling the public about their relationship, eh, mismong mga magulang niya, tanggap naman si Paulo?”

Pruweba nga ang presence ng aktor sa mga family gatherings ni Janine.

Entonces, ano pa ba ang ibig ipakahulugan niyon?

Noong medyo bagu-bago pa lang daw silang nali-link ay big deal ‘yon, pero hindi na raw uubra ang pagpapa-cute ni Janine ngayon.

Kunsabagay. Ronnie Carrasco III