Janine, sinagot ang buntis issue!

Janine, sinagot ang buntis issue!

December 20, 2022 @ 9:18 AM 1 month ago


Manila, Philippines – A nicely asked question deserves a nice response.

Hindi ikina-offend ni Janine Gutierrez ang tanong ng isang netizen sa Instagram kung buntis nga ba ang aktres.

Pinagbatayan ng nagtanong ang larawan ni Janine kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Paulo Avelino.

Kuha ‘yon sa Christmas Special 2022 ng ABS-CBN.

Sa litrato, mapapansing bahagyang nakaumbok ang tiyan ni Janine na nakasuot ng hapit na black gown.

Tanong ng nakapansing netizen: “Preggy ba si Janine?”

Na sinagot naman nito ng: “PMS (premenstrual syndrome).”

Panay “holiday eating” daw ang ginagawa ni Janine habang naghihintay magsimula ang susunod na taping.

“Diet na uli after Christmas,” post niya.

Humingi naman ng dispensa ang netizen na sana’y huwag ikagalit ni Janine ang kanyang tanong.

Ikinatuwa naman ng maraming netizens na magkasama ang PauNine, pinagsamang pangalan nina Paulo at Janine.

Marami kasi ang hindi naniniwalang hindi pa sila officially  a couple base sa lalim ng kanilang closeness.

Naipakilala na kasi ni Paulo si Janine sa kanyang ina na nakabase sa Amerika.

Na-meet na rin ni Paulo in person ang mga magulang ni Janine na sina Lotlot at Monching de Leon.

Having gone this far, hindi pa rin daw sila magkarelasyon.

Janine and Paulo first worked together in the film Ngayon Kaya in 2020.

Dahil sa pandemya ay nitong 2022 lang ito naipalabas.

Mas nauna pa silang napanood sa Marry Me, Marry You sa ABS-CBN. Ronnie Carrasco III