Janitor, construction worker timbog sa P.4M tobats

Janitor, construction worker timbog sa P.4M tobats

September 9, 2022 @ 12:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado sa isinagawang entrapment operation ng Las Piñas City police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang janitor at construction worker na nakuhanan ng halagang P408,000 halaga ng shabu nitong Setyembre 8.

Kinilala ni Las Piñas City police chief P/Col. Jaime Santos ang mga nadakip na suspects na sina Benjo Abo, 34, janitor at construction worker na si Jerphy Padilla, 45.

Base sa report na isinumite kay Santos, matagumpay ang pagkakaaresto sa mga suspects sa inilatag na entrapment operation ng mga tauhan ng SDEU dakong alas 3:30 ng madaling araw sa Basa Compound, Barangay Zapote, Las Piñas.

Narekober sa posesyon ng mga suspects ang 60 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa siyam na transparent sachets, isang brown pouch at ang P500 buy-bust money.

Ang nakumpiskang ilegal na droga na gagamitin din bilang ebidensya laban sa mga suspects ay dinala sa Southern Police District (SPD) Forensic Unit para isailalim sa chemical analysis.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (illegal possession of prohibited drugs) ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas SDEU. James I. Catapusan