Janno, dedma sa nawalang 4K IG followers!

Janno, dedma sa nawalang 4K IG followers!

May 14, 2022 @ 8:12 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi alintana ni Janno Gibbs na nawalan siya ng apat na libong followers sa Instagram.

And this happened overnight dahil na rin sa kanyang matatapang na social media posts.

Hindi ikinaila ng singer-actor sa panayam ng PEP na ang tambalang sinuportahan niya ay Robredo-Pangilinan nitong nakaraang eleksyon.

As we all know, bigo ang nasabing tandem para masungkit ang presidential at vice presidential posts, respectively.

Pero sa isang art card na ipinost ni Janno, nakiusap siyang hayaan ang mga kapwa niya supporter na magluksa sa resulta ng eleksyon.

Tama raw na maging bitter ang ilan sa mga supporter ng natalong tandem.

Giit niya, “I won’t compromise my sentiments over approval most especially for our country.”

Meaning, wala raw siyang regrets o pinagsisisihan sa kanyang paniniwala.

Hindi raw porke artista ay wala na silang kalayaang magpahayag ng kanilang saloobin.

Hindi rin daw dahilan ‘yon para tumigil siyang magpahayag ukol sa mga mahahalagang isyu sa ating kapaligiran.

May point. Ronnie Carrasco III