Janno minura, binobo ang basher! 

Janno minura, binobo ang basher! 

July 1, 2022 @ 9:54 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Tanging prayer at heart emoji lang ang reaksyon ni Janno Gibbs sa sagot ni Dennis Padilla sa anak na si Leon Barretto.

Matatandaang ikinatampo ni Dennis na nakalimutan siyang batiin ng Happy Father’s Day ng mga anak.

Nag-react naman si Leon.

Ani Dennis, nami-miss lang daw niya ang mga anak at hindi niya intensyong ipahiya ang mga ito sa social media.

Bilang kapwa komedyante, nag-react si Janno sa post ni Dennis.

Pero wala siyang komento maliban sa ipinost niyang prayer at heart emoji.

Hindi ‘yon pinalampas ng isang basher na tinawag siyang clout chaser at enabler.

Knowing Janno, hindi rin niya ito pinalampas.

Buwelta niya sa basher, “You have zero followers, I have 365k so who needs clout more?”

Hindi pa nakuntento si Janno sa kanyang resbak.

Pahabol niya, “taran…do ka, ah! If I’m an enabler, you’re an idiot!” Ronnie Carrasco III