Janno, tanggap na laos na, nasaktan!

Janno, tanggap na laos na, nasaktan!

September 29, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Tao lang na may damdaming nasasaktan.

Ito ang buod ng panayam kay Janno Gibbs ni Ogie Diaz.

Inamin ng singer-comedian na nasasaktan siya ‘pag tinatawag na laos.

Ito kasi ang madalas ipuntos laban sa kanya ng mga bashers: laos na raw kasi kaya nag-iingay sa social media.

Ani Janno, laos lang naman daw siya kapag walang ginagawang pelikula.

Pero pag meron ay nasa kamalayan na naman siya ng publiko.

“At saka buwelta ko sa nagsasabing laos ako, ‘Bakit, ikaw ba sumikat?'” paliwanag niya.

Samantala, naungkat muli ang video scandal na kinapalooban ni Janno noong August 2018.

Kumpiyansa si Janno na hindi raw siya ‘yon, nakakahawig lang.

He points to how advanced technology is para pagmukhang totoo ang mga video.

“Pero to be honest, it’s not me,” pagtitiyak niya.

All that he knows ay may paraan ang mga bashers para inisin ang mga celebrities na hindi nila gusto.

And having stayed long enough in the industry, sanay na raw siya: hindi raw dapat dumepende doon ang outlook mo sa buhay. Ronnie Carrasco III