Janus, hanga kay Paolo!

Janus, hanga kay Paolo!

September 15, 2021 @ 11:02 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Napahanga ni Paolo Contis si Janus del Prado sa pagpapakalalaki nito.

Magkasama sina Paolo at Janus noon sa Ang TV ng ABS-CBN.

September 8 noong humingi ng sorry si Paolo sa kanyang Facebook at Instagram accounts sa mga taong nadamay sa hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Nitong September 12 ay nag-post si Janus ng kanyang paghanga kay Paolo sa Instagram, “Taking responsibility for your action speaks what you’re really made of. It shows character. You didn’t justify your action or retaliate. You welcome the trolls and haters as long as they don’t involve anyone else. For that I applaud you as a friend. Chos.”

Seryoso man ay nakuha pang i-inject ni Janus ang running joke na “as a friend” na ginamit ni Paolo patungkol kay Yen Santos na ipinagdiinan nitong hindi third party sa paghihiwalay nila ni LJ.

Si Janus na yata ang male counterpart ni RR Enriquez na aminadong palasawsaw sa mga isyu in a good way.

Nauna nang “nakisawsaw” si Janus sa isyu nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •