Japan Army magdo-donate ng Huey choppers sa PH Army

Japan Army magdo-donate ng Huey choppers sa PH Army

December 19, 2022 @ 2:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng Japan Ground Self-Defense Force (JGSDF) na magbibigay ito ng UH-1J Huey multi-role helicopters sa Philippine Army (PA) sa pamamagitan ng government grant upang pagbutihin ang disaster response capabilities ng huli.

Sinabi ni Col. Xerxes Trinidad, PA spokesperson, na inaasahan ng Army na matatanggp ang air assets “two to three years from now.”

“The utility helicopters will significantly boost the capabilities of the Army Aviation ‘Hiraya’ Regiment especially in the field of humanitarian assistance and disaster response (HADR), medical evacuation, transport of personnel and supplies, and for damage assessment flights in times of national emergencies and calamities,” ani Trinidad nitong Lunes.

Ang UH-1J helicopter ay isang improved version ng Bell UH-1H helicopter at ginawa ng Fuji Heavy Industries. Kabilang sa features nito ang vibration reduction system, isang infrared exhaust suppressor, at night-vision-goggle-compatible cockpit.

Pinagagana ito ng single Kawasaki T53-K-703 turboshaft engine na may 1,800 horsepower, dalawang bladed main at tail rotors.

Ito ang ipinangako ng JGSDF sa pinakaunang Japan-Philippine-US Trilateral Key Leaders’ Engagement sa Camp Asaka sa Tokyo, Japan nitong nakaraang linggo.

Tinalakay ni Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., PA commanding general, ang potential areas ng military cooperation sa JGSDF sa pulong kay Gen. Yoshida Yoshihide, JGSDF Chief of Staff, kabilang ang capability development, trainings and exercises, at defense materiel assistance. RNT/SA